Anyo ng Salita Notes (Payak, Maylapi, Inuulit, Tambalan)

Gabay at mga ehemplo para sa pagbuo ng salita.  Payak, Maylapi, Inuulit at Tambalan.

TheGoMom worksheets/notes are completely free.  Find the worksheet/notes useful?:-) Por favor, kindly click FB Like Icon button below the title of this post. And please like TheGoMom in FB.  Appreciate it.  Thanks!

Reference: Bagong Likha (Wika at Pagbasa) Grade 4

Click here to print ->Pagbuo ng Salita - Notes

Click here to print ->Pagbuo ng Salita - Notes (same as above)

Comments

  1. Marian Jaberina says

    Ngayon lang ako nag-register. Habang tinitingnan ko ang iyong blog aking nakita na ito ay isang ‘labor of love.” Hindi madaling gumawa ng pag-aaral ngunit ito ay nagawa mo sa paraang madaling maituro at matutunan. Maraming, maraming salamat. Nawa, marami pang Pilipino (lalo na ang mga nasa ibang bansa na) ang patuloy na magmahal sa ating wika at sa kulturang Pilipino. Nawa maipamana natin ang ganda ng pagiging Pilipino at ganda ng bansang Pilipinas.

    • Hi Marian! Ako ay nagagalak sa iyong napakagandang puna ukol sa TheGoMom. Ang TheGoMom ay ang aking “labor of love” sa aking 3 anak na naging inspirasyon at sanhi ng pagbuo ng TheGoMom. Hangarin ng TheGoMom na makatulong sa aking kapwa nanay na nais turuan ang kanilang mga anak sa kanilang aralin at makapagbigay na rin ng aking mga kwento tungkol sa aking pagiging isang ganap na ina. Nais ko ring isulong sa ating mga kabataan ang pagmamahal sa ating sariling bansa at ito ay nagsisimula sa pagtangkilik ng ating sariling wika. Nakalulungkot mang isipin ngunit ang aking mga nakatatandang anak ay hindi lumaki sa wikang Pilipino at nakikita ko ang kaibahan sa kanilang pagmamahal sa bansa kumpara sa aking bunso na aking pinagyaman ang wika. Nawa’y umusbong sa ating kabataan ang pagmamahal sa ating bansa sa pamamagitan ng pagtangkilik sa ating wika.

  2. Mark Angilo Alceso says

    Hi,

    Maraming Salamat sa mga gawaing pang-upuaang inyo inililimbag sa inyong blog. Lubos po itong nakakatulong sa akin. Akin po itong ginagamit sa pagtuturo ng mga kabataang nakakalimut na sa ating wikang Filipino. Nawa ay di ho kayo magsawang maglatha ng mga gawain dahil isa ito sa mga tumutulong sa ating mga kabataan upang madaling maunawaan ang Filipino.

    Gumagalang.

    Markquee

Speak Your Mind

*